DAVAO CITY – Sinunog ng mga otoridad ang milyong halaga ng illegal na droga na kinabibilangan ng shabu at marijuana.
Isinagawa ang seremonya bilang bahagi ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sirain ang mga iligal na druga kung saan pinangunahan ito ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office XI at Police Regional Office (PRO) -11.
Una ng isinagawa ang seremonya sa Davao del Sur Provincial Capitol Ground, Matti, Digos City, Davao del Sur.
Base sa report ng mga otoridad, may bigat na 1,717.9578 grams ang sinunog na shabu kung saan nagkakahalaga ito ng P11,682,113.04.
Habang tumitimbang naman ng 173,664.3313 grams ang mga tuyong dahon ng marijuana na nagkakahagala naman ng P20,839,719.756.
Ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB), aabot ang halaga ng mga sinunog na illegal na druga ng higit P32,521,832.80.
Ayon sa otoridad na layunin sa pagsunog ng mga nakumpiskang illegal drugs na maiwasan ang pag-recycle nito.
Dinaluhan ang nasabing seremonya ng mga opisyal mula sa pribado at publikong mga opisina at representante mula sa iba’t-ibang sektor.