-- Advertisements --

Hindi bababa 30 pamilya ang apektado ng nangyaring sunog sa kahabaan ng Jhocson Street, Barangay 456 Sampaloc, Manila kaninang umaga.

Batay sa inisyal na impormasyon ng Bureau of Fire Protection , nagsimulang sumiklab ang sunog pasado alas 5 ng umaga.

Mabilis na kumalat ang apoy kayat nahirapan ang mga bombero na apulahin kaagad ang sunog na umabot ng ikalawang alarma dakong alas 5:08 ng umaga.

Itinaas sa ikatlong alarm ang sunog pasado alas 5:12 ng umaga para ma mobilized ang karagdagang suplay ng tubig.

Tuluyan naman naapula ng BFP ang sunog pag-sapit ng alas 6:47 ng umaga.

Karamihan sa mga residente ng mga kalapit na boarding houses ay napilitang lumikas sa pangambang maabot sila ng apoy.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa dahilan ng sunog at kung magkano ang kabuuang danyos nito sa naturang ari-arian.