-- Advertisements --

Tinuldukan na ni Ruben Enaje, lokal ng San Fernando, Pampanga ang kanyang debosyon at tradisyon na pagpapapako sa krus tuwing Semana Santa.

Kung saan inihayag nito ang kanyang pagreretiro matapos ang isinagawang ika-36 beses niyang pagganap bilang Hesus sa pagsasadula ng pagpapakasakit ng Panginoon.

Sa kanyang higit tatlong dekadang debosyon, hindi na raw nito kakayanin pang magpapapakong muli sa krus buhat ng sumasakit na umano ang kanyang pakiramdam.

Aniya, may naranasan siyang pag-init ng mga sugat sa kamay na paliwanag ni Ruben na hindi naman nangyayari dati.

Isa pa sa kanyang mga idinahilan ay ang pagkahilo habang gumaganap na Hesus sa daanan bago ang nakatakdang pagpapapako niya sa krus.

Ngunit sa kabila nito ay matagumpay niya paring naitawid ang ika-36 na beses ng pagpapapako sa krus na kanyang tradisyon at debosyon sa nakalipas ng mga taon.

Kaya naman sa kanyang pagreretiro ay papalit sa kanyang nakagawiang tradisyon si Arnold Maniago, na matagal na ring nagpapapako sa loob ng higit dalawang dekada.

Bagama’t tirik ang araw, ang naturang pagsasadula ng pagpapakasakit ng Panginoon ay dinaluhan pa rin ng nasa 6,000 hanggang 8,000 turista ang nagsadyang nagtungo sa barangay ng Sen Pedro Cutud ng San Fernando, Pampanga.