CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na mapakinabangan pa ng sinumang masamang grupo ang nasa higit 300 na klase-klaseng kalibre ng mga baril na unang nakompiska mula sa mga rebeldeng New People’s Army na kumikilos sa Northern Mindanao at Caraga Regions.
Ito ay matapos mismo si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen Jose Faustino ang tumungo para pangunahan ang pagsira ng high at low firearms
sa bisinidad ng Camp Edilberto Evangelista kung saan nakabase ang 4th ID, Philippine Army ng lungsod kaninang umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Faustino na layunin nito na hindi na mapasakamay pang muli sa mga kalaban ng estado ang nabanggit na mga baril upang magsasagawa na nama ng mga panggugulo.
Sinabi ng heneral na ito ang dahilan na kailangang dudurugin ang nasa higit 300 na mga baril para tuluyan nang hindi makapakinabangan pa ng ilang tiwali sa loob ng gobyerno at mapunta sa mga kontra ng gobyerno.
Magugunitang ang nasabing mga sinira na mga baril ay nahuli,nabawi,isinuko at narekober ng militar mula sa rebeldeng NPA na nagsilbing combatants ng CPP sa nabanggit na mga rehiyon sa taong 2020.