-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 300 na babaeng inmates mula sa Correctional Institution for Women ang nakatanggap ng libreng legal at medikal na asistensya.

Ayon sa Deparment of Justice, karamihan sa mga ito ay pawang mga senior citizens na at mga maysakit.

Sa isang pahayag , sinabi ni Justice Secretary Jesus Crisipin Remulla na patunay lamang ito na ang tunay na hustisya ay maaari ring lumabas sa boundaries ng batas para sa pagbibigay ng konsiderasyon.

Tiniyak din ng kalihim sa mga inmate na hindi nagpapabaya ang gobyerno sa pagprotekta at pangangalaga sa kanilang mga karapatan.

Kabilang ang mga doctors, nurses, at interns ng DOJ sa pagbibigay ng assistance sa mga PDLs.