-- Advertisements --
Screenshot 2019 11 14 12 26 15 12

Mahigit 300 foreign nationals ang nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ngayong araw Nobyembre 14 dahil sa telco fraud.

Ayon kay Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr., ang 312 na banyaga na kinabibilangan ng Chinese, Burmese, Malaysians, Vietnamese, Taiwanese at Indonesians ay kabilang sa 512 na naaresto noong October 9 sa isang Business Processing Outsourcing (BPO) office sa Millennium Bldg., Pasay City.

“They will be deported today, and we are very much thankful to the NCRPO (National Capital Region Police Office) for assisting us in this operation,” ani Manahan.

Kasama rin sa pauuwiin sa China ang 21 menor de edad na nahuli sa isinagawang operasyon.

Dakong alas-3:00 kaninang madaling araw nang pauuwiin ang unang batch at susundan ng dalawa pang batch dakong alas-8:00 at alas-9:00 ng gabi.

Para naman sa security purposes direktang dadalhin ang mga banyaga sa eroplanong kanilang sasakyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ang mga natitirang ilan pang naaresto ay ililipat sa BI Warden Facility habang hinihintay ang kanilang deportation orders at clearances.