Naihatid na raw sa kani-kanilang mga probinsiya ang 300 Sama Bajau indigenous peoples (IPs) na nailigtas ng mga otoridad sa National Capital Region.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Edu Punay, kabilang sa mga mga bajau ay pinauwi sa Zamboanga, Sulu at Basilan.
Pero mayroon pa raw mahigit 100 na Badjau ang nananatili sa Jose Fabella Center at pinoproseso na ang kanilang mga dokumento para makauwi.
Sinabi ni Punay na mayroong isinasagawang rescue operation na target ang mga IPs sa mga lansangan sa Metro Manila na namamalimos.
Aniya tatlong linggo na raw na nagpapatuloy ang isinasagawang operasyon ng mga otoridad para mahuli ang mga katutubong karaniwang dumarayo sa National Capital Region para mamalimos tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
Nakikipag-ugnayan na rin daw ang DSWD sa mga local government units (LGUs) dahil mayroon itong primary jurisdiction sa rescue operations.
Ang lahat naman ng mga na-rescue na IP family ay binigyan ng P10,000 bilang one-time cash aid para hindi na sila mamalimos sa mga lansangan.
Nais daw ng DSWD na gamitin ng mga katutubo ang naturang halaga bilang pangkabuhayan.
Muling iginiit ni ni Punay na ang nais daw ng pamahalaan ay hindi na kailangang lumuwas ng mga IP para makahanap ng pera na pambili ng kanilang pagkain at pangangailangan.
Sinabi naman ng DSWD official na sinasamantala ng mga sindikayo ang mga IPs at dinadala ang mga ito dito sa NCR para mamalimos.