-- Advertisements --

Sumampa na sa 301,421 ang mga lumabag sa umiiral na Alert Level 4 health quarantine protocol sa National Capital Region (NCR).

Sa datos ng PNP Joint Task Force Covid Shield, nasa 212,184 ang mga lumabag sa minumum public health standard, 86,202 ang mga lumabag sa curfew, at 3,035 ang mga lumabag na non-APOR.

Habang 10,394 ang daily average ng mga lumabag sa protocol sa NCR.

Sa bilang ng mga lumabag, 53 percent ang mga nasita, 40 percent ang mga pinagmulta at 7 percent ang iba pang violators.

Bukas, Oktubre 16 hanggang 31 ay ibababa na sa Alert Level 3 protocol ang NCR kung saan magkakaroon ng pagluluwag sa ilang establisyemento.

Samantala, nabawasan pa ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa National Capital Region (NCR).

Sa datos ng JTF Covid Shield, mula 117 kahapon ay 100 na lamang ang mga naka-lockdown na lugar sa NCR.

Sa bilang ng mga naka-lockdown, 48 ang bahay, 4 ang residential building floor, 25 ang residential building, 7 ang kalye at 16 ang subdibisyon.

Mula ito sa 65 barangays sa pitong lungsod at munisipalidad sa NCR.

Naka-deploy din ang 290 pulis at 275 force multipliers upang matiyak na nasusunod ng mga residente ng minimum public health safety standards.