-- Advertisements --

Handa na para sa halalan sa darating na Mayo 13 ang Command Center ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Pope Pius compound sa lungsod ng Manila.

Pinangunahan ni PPCRV Chair Emeritus Amb. Henrietta de Villa ang ribbon cutting at blessing sa kanilang Command Center kung saan idaraos ang unofficial parallel count nila para sa midterm elections.

Samantala, sinabi ni PPCRV Executive Director Maribel Buenaobra na magde-deploy sila ng 300,000 volunteers sa mahigit 85,000 clustered precincts sa humigit kumulang 36,000 voting centers para sa halalan sa darating na Lunes.

Bagamat kalahati lamang ang bilang ng mga volunteers na ito kumpara sa naitala nila noong 2016 presidential polls, iginiit ni Para kay PPCRV Chair Myla Villanueva na sapat na ito para sa kanila.