-- Advertisements --
KALIBO, AKLAN – Mahigit 300 turistang Koreano ang humihingi ng tulongpara makauwi na sa kanilang bansa matapos maipit ang mga ito dahil sa ipinatupad na lockdown sa isla ng Boracay at katabing mga lugar sanhi ng coronavirus pandemic.
Ayon kay Soojin Kim, coordinator ng Boracay Korean Community, hindi pa umano kabilang dito ang mga bata.
Nasa 187 na mga Koreano ang bumiyahe pauwi noong Mayo 1 sa pamamagitan ng sweeper flight sa Caticlan Airport.
Aniya hindi pa nila alam kung kailan ang susunod na repatriation flight.
Subalit ayon kay Kim patuloy ang pakikipag-ugnayan niya sa Consul ng South Korean Embassy na nakabase sa Cebu.
Ang mga Koreano ang pumangalawa sa tourist arrivals noong 2019 sa Boracay kasunod ng mga turistang Chinese.