DAVAO CITY – Mismong ang Department of Health (DOH) – Davao region ang nagkumpirma nga nasa 328 doses ng Covid-19 vaccines ang nasayang at hindi nagamit.
Sinasabing ilan sa mga nasayang na bakuna ay kinabibilangan ng 42 AstraZeneca, 237 na Pfizer-BioNTech, 48 na Sinovac, at isang Gamaleya Sputnik V.
Ayon kay Dr. Rachel Joy Pasion, DOH-Davao Regional Epidemiology Surveillance Unit head, ilan sa mga bakuna ay nakitaan ng basag habang ang iba naman ay manufacturer defects.
Nilinaw ng opisyal na bago gagamitin ang mga bakuna, kailangan muna na siguruhin ng vaccinators na walang sira ito ay kailangan isailalim sa masusing inspeksiyon kung may discoloration o may ibang particles na makikita loob nito.
Ilan umano sa mga bakuna ay may nakikitang maliliit na black particles dahilan na nare-reject ito at hindi nagagamit.
Itinanggi naman ng opisyal na hindi nasayang ang mga bakuna dahil hindi agad na distribute at hindi rin ito naabutan ng expiration.
Nabatid na as of August 30, ang Davao Region ay nakatanggap na ng 2,403,770 doses ng Covid-19 vaccines.