BUTUAN CITY – Nakapaglikas na ng daan-daang pamilya ang Provincial Disaster Risk Reduction nad Management Office (PDRRMO) ng Surigao del Sur bilang paghahanda upang makaiwas sa mga posibleng hindi magandang mangyayari sa nakatakdang pag-landfall na ng bagyong Auring.
Ayon kay Surigao PDRRMO chief Abel de Guzman, dakong alas-3:00 ng hapon, apat na local government units (LGU’s) na ang nag-uulat na nagpatupad na sila ng pre-emptive evacuation.
Umabot na sa 369 pamilya ang pansamantalang inilikas sa 10 iba’t ibang mga identified evacuation centers.
Kasama na rito ang bayan ng Bayabas na nakapaglikas na ng 39 mga pamilya mula sa tatlong barangay, sunod ang bayan ng Cagwait na may 56 mga pamilya mula lang sa isang barangay, pangatlo ang bayan Cortes na may 85 mga pamilya mula rin sa isang barangay at ang Tandag City na may 189 mga pamilya mula sa tatlong barangay.
Kaninang umaga ay maagang pinuntahan ni Tandag City Mayor Roxanne Pimentel ang mga pamilyang inilikas sa Jacinto P. Elpa National High School kasama na dito ang mga nailikas kagabi mula sa mga coastal barangays