KORONADAL CITY – Nasa mahigit 300 pamilya ang apektado sa ngayon ng landslide at malalaking tension cracks sa 6 na Sitio sa Barangay Lamcade, Lake Sebu South Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Barangay Kapitan Joseph Cone sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Cone, naitala ang pagguho ng lupa sa Sitio Tbob, Lower Lamlumo at Upper Lamlumo sa Brgy. Lamcade, Lake Sebu, South Cotabato dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.
Maliban sa landslide ay natatakot ngayon ang mga residente sa patuloy na pagdami ng malalaking tension cracks kaya’t lumikas ang mga ito sa Tekansad area at naglagay ng mga trapal upang pansamantalang matuluyan.
Samantala, daan-dang mga indibidwal naman ang stranded ngayon sa 3 pang mga Sitio dahil sa landslide.
Dahil sa pahirapan ang daan ay hindi makalabas upang bumili ng pagkain ang mga residente gayundin ang pagbaba ng kanilang mga produkto.
Sa ngayon ay humihingi ng tulong lalong-lalo na pagkain ang mga residente sa nabanggit na barangay.