-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Umabot na sa higit 300 mga pamilya ang apektado ng mga pagbaha dahil sa walang humpay na buhos ng ulan sa apat na bayan sa South Cotabato.

Ang nasabing mga bayan ay kinabibilangan ng Banga, Norala, Sto. Niño at Lake Sebu.

Sa bayan ng Banga nasa 136 na ang mga apektadong pamilya kung saan pinasok ng tubig-baha ang mga kabahayan mula sa 9 na barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mayor Clemente Fedoc, nasa higit 100 pamiya naman ang apektado kung saan pansamantala munang inilipat sa barangay gymnasium sa Barangay San Miguel sa bayan ng Norala matapos ding binaha.

Maliban pa sa mga pamamahay na binaha, sinira din ng mga pagbaha ang ilang mga pala-isdaan sa bayan ng Banga, mga pananim at palayan ng mga magsasaka.

Apektado din ng malakas na ulan ang iba pang mga baya kung saan angdeklara ng suspension of classes kabilang na ang bayan ng Sto. Nino at Lake Sebu.

Agad naman umanong nagbigay ng tulong ang provincial engineering office ng South Cotabato upang matanggal ang mga rurok sa mga sapa sa nasabing mga lugar na dahilan ng mga pagbaha.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang monitoring ng PDRRMO -South Cotabato sa buong probinsya lalo na sa mga landslide prone areas.