-- Advertisements --
ROXAS CITY – Higit sa 3,000 mga empleyado ang apektado sa ngayon sa biglaang pagpapasara sa lahat ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa lalawigan ng Capiz.
Ito ay kasunod ng mandatong pagpapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong araw ng Sabado dahil umano sa isyu ng kurapsyon.
Sa lalawigan ng Capiz, umaabot sa 85 mga gaming outlets ng PCSO ang ipinasara.
Sa kabila nito ay tiniyak ng pamunuan ng PCSO-Capiz, na patuloy ang kanilang pagtanggap sa aplikasyon para sa kanilang charity services.
Magpapatuloy umano ang kanilang pagbigay ng tulong sa ilalim ng Individual Medical Assistance Program (IMAP).