-- Advertisements --

Buhos ang mga reklamo na natatanggap ngayon ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) laban sa mga pulis na sangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian.

Ayon kay CITF spokesperson C/Insp. Jewel Nicanor na sa isang buwan nilang operasyon nakapagtala na sila ng 3,279 na reklamo sa pamamagitan ng text messages.

Pahayag pa nito, tatlong tawag ang natatanggap nila araw-araw at tatlong walk in complainants.

Nilinaw ni Nicanor na lahat ng sumbong natatanggap nila ay dumadaan sa masusing assessment upang matiyak na hindi ito harrassment lamang laban sa mga pulis.

Karamihan sa mga sumbong ay kasong robbery at extortion sa mga motorista at illegal arrest.

Nakapagsagawa na rin sila ng pitong operations kung saan naaresto ang 14 na pulis na inirereklamo at ipinagharap na ng kaso.

Ang hotline number na maaaring tawagan ng mga may reklamo ay 0998-970-22-86.