-- Advertisements --
Aabot na sa kabuuang 323,088 na indibidwal o katumbas ng higit sa 65,681 na pamilya ang apektado ngayon ng El Nino phenomenon sa bansa.
Ito ay batay sa pagtataya ng Department of Social Welfare and Development .
Ayon sa ahensya, ang naturang bilang na ito ay mula sa 160 na barangay ng Region 3, MIMAROPA, Region 6, at Zamboanga Peninsula.
Sa kabila ng bilang na ito ay tiniyak ng DSWD na walang pamilya ang kinailangang ilikas dahil sa epekto ng nasabing weather phenomenon.
Sinabi rin ng ahensya na sinmulan na nila ang pagpapaabot ng tulong sa mga apektadong rehiyon.
Batay sa datos ng DSWD, umabot na sa ₱1.2-milyong halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi nito.