Naging maganda ang resulta ng ipinatupad na ‘Oplan Mangga’ initiative ng Department of Agriculture – Agribusiness and Marketing Assistance Service.
Ito ay sa pakikipagtulungan din ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) Region III.
Layon ng inisyatibong ito na matulungan ang Bataan Mango Growers Agriculture Cooperative (BMGAC) na lumago ang kanilang kita.
Ayon sa DA, naibenta sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila ang mga fresh carabao mangoes na ani ng mga magsasaka sa Bataan.
Sinabi ng ahensya na aabot sa 3,000 kilograms ang naibenta halagang P100 kada kilo sa DA-Central Office, Sugar Regulatory Administration, National Irrigation Administration, Bureau of Internal Revenue, at National Housing Authority.
Batay sa datos, umabot sa P324,000 ang kabuuang kita mula sa pagbebenta ng naturang produkto.
Taos-puso naman ang pasasalamat ng Bataan Growers sa inisyatibong ito DA na talaga namang malaki ang tulong sa pagpapalawak ng kanilang market.