Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na handa silang tulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa United States, na inaasahang maaapektuhan sa posibleng mass deportation kaugnay ng pagpapalit ng US policies sa ilalim ng administrasyon ng bagong halal na US President na si Donald Trump.
Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, tinatayang nasa 370,000 undocumented Pinoy immigrants sa US ang maaaring maapektuhan sa panukalang U.S. Mass Deportation Policy, na target i-deport ang nasa 1 milyong undocumented immigrants taun-taon.
Matatandaan na nasa 300,000 undocumented immigrants kada taon noon ang napa-deport sa unang termino ni Trump o noong 2017 hanggang 2020. Kung saan nasa 3,500 na pinoy ang napauwi sa Pilipinas.
Ayon kay Cacdac, handa na ang financial, medical, at legal assistance ng ahensya para sa mga maaapektuhang pinoy sa US.
Sa pamamagitan ng National Reintegration Center para sa mga OFWs, tutulong din ang naturang ahensya sa retooling, reskilling, at employment facilitation ng mga maaapektuhang manggagawa. Ito ay sa pakikipag-tulongan umano sa DOLE, DTI at TESDA.