-- Advertisements --
Aabot sa mahigit 33,000 pasahero ang na-monitor ng Philippine Coast Guard sa iba’t ibang pantalan sa bansa hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga ng Biyernes Santo.
Ayon sa PCG, 2,334 ang kanilang na-deploy na mga tauhan sa 15 PCG districts.
abot naman sa kabuuang 176 na mga vessels at 115 motorbancas ang dumaan sa kanilang inspeksyon.
Nauna nang sinabi ng PCG na inilagay nila ang kanilang mga districts, stations, at sub-stations sa hightened alert para ma-manage ang influx ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong Holy Week mula Abril 8 hanggang 18.