-- Advertisements --

Umabot sa 338 na mga convicted individual ang binitay sa Saudi Arabia noong nakalipas na taon ayon sa interior ministry ng naturang bansa.

Kabilang sa mga binitay doon ang anim na Iranian national dahil sa kasong may kinalaman sa drug trafficking.

Kaugnay nito ay nagpadala ng summon ang Iran laban sa Saudi ambassador para kwestyunin at sinabing hindi katanggap tanggap ang naturang hatol .

Ang bilang ng mga binitay sa Saudi Arabia noong 2024 ay mas mataas kumpara sa bilang ng binitay noong 2023.

Mula pa noong 1990s ay sinusubaybayan na ng human rights group na Amnesty International ang ganitong executions.

Mula sa naturang bilang , aabot sa 117 na mga convicted individual ang binitay dahil sa pagkakasangkot sa drug trafficking.

Binubuo rin ito ng 129 na mga foreign national kabilang na ang 25 Yemenis, 24 Pakistanis, 17 Egyptians, 16 Syrians, 14 Nigerians, 13 Jordanians at seven Ethiopians.