Sumampa na sa kabuuang 3,510 na mga pasaway na motorista ang nahuli ng mga tauhan ng Land Transportation Office-National Capital Region .
Ang mga ito ay hinuli dahil sa paglabag sa iba’t-ibang uri ng traffic violations.
Sa isang pahayag, sinabi ng LTO, mula sa naturang bilang ng mga motorista , 1,860 dito ay nahuli dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 4136 o kilala bilang Land Transportation and Traffic Code.
Kabilang naman sa mga numerong ito ang 311 ba mga unregistered vehicles na nahuli dahil sa pagpapairal ng No Registration, No Travel’.
Samantala, kaugnay nito, aabot naman sa 1,097 motorista rin ang nahuli dahil sa hindi paggamit ng seatbelt devices na malinaw na paglabag sa sa Republic Act (R.A.) 8750
Nahaharap naman sa parusa ang aabot sa 535 motorista dahil sa hindi pagsusuot ng standard protective motorcycle helmet na nakasaad sa (R.A. 10054),
Tatlong naman ang lumabag sa Anti-Distracted Driving Act (R.A. 10913), 14 ayb dahil sa hindi pagtalima sa Children Safety on Motorcycle Law (R.A. 10666) at isa naman dahil sa pagmamaneho na nasa ilalim ng impluwensya ng ipinagbabawal na droga (R.A. 10586).
Giit naman ni LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” Verzosa III na hindi titigil ang kanilang ahensya sa kanilang operasyon laban sa mga pasaway na motorista sa bansa.