Pumalo na sa 35,945 individuals o nasa 7,730 pamilya ang nailikas sa 27 mga bayan at siyudad sa Batangas.
Ito ay batay sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) ng Calabarzon.
Ang mga evacuees ay kasakuluyang nananatili sa 130 evacuation centers.
Sa datos naman ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nasa 30,423 indibidwal o nasa 6,891 na pamilya sa Calabarzon ang apektado ng patuloy na pag-aalburuto ng Taal volcano.
Ito ay batay sa impormasyon ng NDRRMC na inilabas as of 6AM nitong araw ng Martes.
Nananatili naman sa 18,187 na indibidwal o 4,175 na pamilya ang kasalukuyang nasa 118 evacuation centers.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na patuloy na namamahagi ng libreng face masks ang NDRRMC sa mga evacuees at iba pang apektadong tao sa lugar.
Pinuna ng kalihim na nagiging problema ang supply ng face masks, dahil sa mataas na demand para rito sa ngayon.