-- Advertisements --
NCRPO1

Nasa kabuuang 368 miyembro ng Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang idineploy para magbigay seguridad sa New Bilibid Prison (NBP).

Layon nito para tulungan ang Bureau of Corrections para tugunan ang problema hinggil sa corrupt na mga prison guards.

Pinangunahan mismo ni NCRPO chief BGen. Debold Sinas ang send-off ceremony nitong Linggo at pinaalalahanan ang mga pulis sa ilang mga guidelines, lalo na ang pagbabantay sa critical areas sa loob ng NBP partikular ang Maximum Security Compound.

Inihayag ni Sinas ang ilang mga guidelines para sa mga pulis na naka deploy sa NBP. Ito ay ang mga sumusunod:

1) Prohibition of cellphones or electronic gadgets as well as wearing of jewelry
2) Wearing of uniform as prescribed in the LOI TAMANG BIHIS;
3) Conduct of personnel accounting at NCRPO prior to deployment;
4) Operational shifting would be within 6:00 AM to 6:00 PM only;
5) Fielded RMFB personnel will be under the management and supervision of BuCor upon entering the NBP premises; thus, RMFB personnel must act in accord with the BuCor’s policy; and
6) All augmented personnel is obliged not to communicate nor be engaged in any way to the inmates, unless needed.

NCRPO2

“Sana gumanda ang ating trabaho upang gumanda ang tingin nila sa atin,” pahayag ni Sinas sa mga pulis.