-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang 38,600 sako ng bigas ang inilaan ng National Food Authority sa Bicol Region kasunod ng pagkakaapruba ng Food Security Emergency sa bansa ng DA.

Ito ang kinumpirma mimso ni Department of Agriculture – Bicol spokesperson Lovella Guarin.

Ayon kay Guarin, kabila sa mga lalawigan na nabigyan ng alokasyon ng bigas ay ang Camarines Sur na may 25,000 bags, Camarines Norte (10,000 bags), Sorsogon(2,800 bags), Masbate(800 bags).

Ayon sa opisyal , ang kada sako ng alokasyong bigas ay mayroong bigat na 50 kilos na milled NFA rice.

Sinabi ng DA na ang naturang bigas ay ibibenta sa mga LGUs at maging sa mga government-owned and controlled corporations o GOCCs.

Ito ay nagkakahalaga ng P38 kada kilo.

Ang hakbang na ito ay bahagi pa rin ng hakbang ng ng maging sapat ang suplay ng bigas sa nasabing rehiyon.