Aabot sa kabuuang 382,302 na indibidwal o katumbas ng 77,910 na pamilya ang apektado ngayon ng Severe Tropical Storm Kristine sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Ito ang kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw.
Batay sa datos ng ahensya, mula sa natukoy na apektadong populasyon, aabot sa 12,334 indibidwal o katumbas ng 3,095 na pamilya ang nananatili ngayon sa mga evacuation areas.
Ayon sa ahensya, maliban dito ay nananatili naman ang 364 na indibidwal katumbas ng 96 na pamilya sa ilang lugar dahil sa epekto ng naturang sama ng panahon.
Patuloy naman ang isinasagawang rescue operation ng mga concerned agencies lalo na mga binahang lugar .
Tuloy-tuloy rin ang pagpapabot ng pamahalaan ng karampatang tulong sa mga apektadong residente.