-- Advertisements --

Nasa 4,000 na mga barangays ang posibleng bahain dahil sa paghagupit ng Bagyong Ofel.


Ito ay base sa isinagawang Pre Disaster Risk Assessment ng NDRRMC, DENR at Mines and Geosciences.

Kaya pinag-iingat ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga residente sa lugar na tutumbukin ng Bagyong Ofel.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, inalerto na nila ang mga Local Government Units at mga ahensya ng pamahalaan tungkol sa posibleng epekto ng sama ng panahon.

Lalo na duon sa mga barangay na nasa mabababang lugar at posible rin na tamaan ng landslides.

Pinaalalahan din ng NDRRMC ang mga LGU, na rumesponde sa epekto ng Bagyo na naaayon sa New Normal ngayong may COVID-19.

Sa ngayon nakataas ang signal no. 1 sa mga lalawigan na sakop ng Eastern Visayas Region, MIRAMOPA, CALABARZON at Bicol Region.