-- Advertisements --

Nasa 4,590 na mga pasaway na pulis ang sinibak na sa serbisyo dahil sa pinalakas na internal cleansing program ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP chief Gen. Camilo Cascolan ang nasabing datos ay sa loob ng apat na taong pinaigting na kampanya ng pambansang pulisya laban sa mga erring policemen.

Ang mga nasibak sa serbisyo na mga pulis ay mula sa 15,768 na mga pulis na sinampahan ng kasong administratibo.

Nasa 7,888 naman ang sinuspinde at nasa 846 ang na demote ng isang ranggo, 608 ang binawian ng sweldo habang 119 ang restricted to quarters.

Sinabi ni Cascolan ang mga dinismiss sa serbisyo na mga pulis ay sangkot sa iba’t ibang criminal activities gaya ng illegal drugs, grave misconduct, serious neglect of duty serious irregularity, malversation, dishonesty and graft and corruption.

Nasa 549 na pulis ang nasampahan ng administrative case dahil sa kinasangkutang kaso na may kaugnayan sa iligal na droga, 410 ang positibong gumagamit ng droga at 139 ang sangkaot sa illegal drug trade.