KORONADAL CITY- Umabot sa mahigit 40 mga elementary pupils ang nabiktima ng food poisoning sa M’lang, North Cotabato matapos na kumain ng pinaypay na saging na aksidente umanong nalagyan ng tawas.
Ito ang kinumpirma ni M’lang Municipal Health Officer Dr. Jun Sotea sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Dr. Sotea, nakaranas ang mga mag-aaral ng Palma Perez Elementary School ng pananakit ng tiyan, pagsusukat at pagkahilo ilang minuto matapos kainin ang pinaypay na saging na ibinebenta sa loob ng paaralan bandang alas 9:30 ng umaga.
Lumabas sa pagsusuri na sa halip na asukal ay tawas ang nabili at nailagay ng food vendor sa ibenenta nitong pinaypay na saging na nakain ng mga bata.
Ikinabahala naman ito ng mga magulang, guro at mga barangay officials matapos sunod.