ILOILO CITY – Hinuli ng otoridad ang mahigit sa 40 miyembro ng progresibong grupo sa lungsod ng Iloilo dahil umano sa civil disobidience.
Ito ay may kaugnayan sa kanilang planong pagsasagawa ng kilos protesta kasunod ng pagpatay sa city coordinator ng Bayan Muna na si Jory Porquia.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fr. Marco Sulayao, regional chairperson ng Promotion of Church People’s Response (PCPR-Panay), sinabi nito na humingi sila ng permiso sa otoridad na makapagsagawa ng programa sa Jaro Plaza at kanilang susundin ang physical distancing at pagsuot ng face mask.
Inihayag ni Sulayao na hindi sila pinayagan at sa halip, hinuli sila ng mga pulis dahil umano sa civil disobidience.
Sa ngayon, nananatili sa Jaro Police Station ang 42 miyembro ng progresibong grupo.