-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa mahigit 40 mga loose firearms ang nahukay ng Joint Task Force Central sa bahagi ng Sitio Kanalan, Brgy Marguez, Esperanza, Sultan Kudarat na pinaniniwalaang inilibing ng mga kasapi ng NPA.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Romel Valencia ng 7th Infantry (TAPAT) Battalion ng Philippine Army.

Ayon kay Valencia sa tulong ng mga residente ng Esperanza, Sultan Kudarat ay narekober ang bulto-bultong high powered firearms na kinabibilangan ng 34 na 12-gauge shotguns, isang M79 grenade launcher at isang Springfield rifle.

Kabilang din sa mga narekober ang caliber .22 rifle, mga single-shot pistol, caliber .45, Uzi. at ibat-ibang mga ammunition at IED detonators.

Naniniwala naman ang opisyal na malaking kawalan sa mga rebelde ang pagkakahukay ng mga baril na posibleng gamitin laban sa gobyerno.