-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbalik-loob sa gobyerno ang mahigit 40 indibidwal na may kaugnayan sa New Peoples Army (NPA) sa Sitio Nasandigan, Brgy. Kalabugao, Impasug-ong, Bukidnon.
Sinabi ni 2Lt Camille Bumatay, civil military operation officer ng 8th Infantry Battalion (8IB), Philippine Army na kabilang sa mga sumuko ang isang regular member ng NPA, apat na miyembro sa Milisya ng Bayan at 37 na mga mass supporters.
Ayon sa isang returnee na si alyas Jing, matapos marinig ang paliwanag ng gobyerno sa pamamagitan ng “Grand Pulong-Pulong,” naunawaan nito kung paano sila naluko ng makakaliwang grupo.
Isasailim na sa assesment ang mga surrenderees upang mabigyan ng pangkabuhayan para sa pagsisimula ng panibagong buhay.