Idedeploy na sa ibat- ibang military units sa buong bansa ang nasa 453 na mga second lietenants na mga bagong graduates mula Philippine Military Academy (PMA) Class 2020, Officer Preparatory Course (OPC) Class 71-2019, at Officer Candidate Course (OCC) Class 53-2020.
Pangungunahan ng mga batang opisyal ang kampanyan ng gobyerno laban sa komunistang rebelde na New Peoples Army (NPA) at mga local terrorist group gaya ng bandidong Abu Sayyaf at BIFF.
Isinagagawa kahapon ang send-off ceremony Headquarters Training and Doctrine Command, Camp O’Donnell, Capaz, Tarlac.
Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt Gen. Gilbert Gapay ang send-off ceremony.
Mensahe ni Gapay sa mga bagong opisyal ng Army na kahit natapos na ang mga ito ang kanilang commissioning courses, hindi pa rin nagtatapos ang kanilang training.
Binigyang-diin ni Gapay na hindi maaaring maging complacent ang militar.
Aniya, malaki ang inaasahan ng bansa sa AFP lalo na sa pagpapanatili sa peace and order.