VIGAN CITY – Nasa 410,576 doses ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) AstraZeneca vaccine ang bibilhin ng Ilocos Sur provincial government para sa mga residente lalo na sa mga frontliners, health workers at senior citizens.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Gov. Ryan Singson, nakagpapadala na ang lalawigan ng letter of intent sa Astrazeneca company na inaasahang makakarating sa lalong mas madaling panahon.
Naglaan naman ng P200 million ang provincial government para sa bakuna at sa pagbili ng mga syringe, personal protective equipment at refrigerated van na paglalagyan ng bakuna.
Maliban dito, may vaccination plan namang nabuo para sa mas sistematikong proseso sa pagbili ng bakuna at kabilang na rin umano ang pagsasaayos sa listahan ng mga babakunahan ang pati na rin ang mga vaccination site.
Kung maalala, nasa 50 hanggang 70 percent na bakuna ang nakahandang ilaan ng national government sa bawat lalawigan kung kaya’t base sa pagtataya ng provincial government ay 30 percent sa populasyon ang ipaglalaanan ng karagdagang bakuna.