-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pumalo sa 458 na matataas na uri ng armas ang sinira gamit ang pison sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang mga baril ay kabilang sa mga na-recover at isinuko sa militar sa probinsya ng Maguindanao, North Cotabato, Sultan Kudarat, at Lanao Del Sur.

Ang pagsira sa mga ito ay isinabay sa 32nd Foundation Anniversary ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army.

Sumaksi sa demilitarization rites sina Philippine Army Chief Lieutenant General Macairog Alberto, at Western Mindanao Command Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana.

Sinabi ni 6th ID Chief Major General Diosdado Carreon na ang assorted high powered firearms ay nasamsam aa pinaigting na kampanya laban sa mga loose firearms sa kanilang Area of Responsibility (AOR).

Habang ang ibang armas ay kusang isinuko ng mga Local Government Units at mga sibilyan.

Nanawagan naman si Carreon sa mga grupo o indibidwal na may hawak ng mga armas na walang kaukulang dokumento na isinuko na at habang hindi pa huli ang lahat.

Nagpasaring si MG Carreon sa mga may hawak ng armas na mga loose firearms na magmamatigas na isuko na siguradong may kalalagyan sila at mananagot sa batas.