-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Umabot sa mahigit 400 mga residente mula sa tatlong mga sitio sa Brgy. Ned, Lake Sebu, South Cotabato ang nagsilikas dahil sa pagsiklab ng panibagong gulo dulot ng away pamilya.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC)-South Cotabato, ang mga lumikas na pamilya ay nagmula sa mga Sitio Molmol, Kumilat at Kisayan ng Barangay Ned na siyang pinakamalapit na komunidad sa lugar kung saan nangyari ang umano’y rido ng dalawang pamilya sa bahagi ng Palimbang sa Sultan Kudarat.
Kaugnay nito, namigay na ng tulong ang PDRRMC sa mga residenteng nagsilikas.
Noong Abril, umabot din sa 200 pamilya mula sa nasabing lugar ang nagsilikas dahil pa rin sa nasabing clan war.