-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umakyat na sa mahigit 400 mga indibidwal ang lumikas dahil sa takot na maipit sa gulo sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng 39th Infantry Battalion (IB) at New People’s Army sa boundary ng mga probinsiya ng North Cotabato at Davao Del Sur.

Ayon kay 39th IB commanding officer Lt. Col. Rhodjun Rosales, nakatanggap umano ng ulat ang militar na may presensya ng armadong grupo sa Sitio Bagong Silang, Barangay Upper Bala dahilan na nagsagawa sila ng pagpatrolya at nakasagupa ang nasa 50 mga rebelde na pinamumunuan ni Eusenio Cranzo alyas “Commander Butsoy.”

Wala namang nasugatan sa mga sundalo ngunit inaalam pa kung may nasugatan sa panig ng NPA.

Sa ngayon, namamalagi sa Barangay Upper Bala ang mga lumikas na pamilya.

Patuloy naman ang clearing operations ng mga otoridad sa nasabing lugar.