-- Advertisements --

DAVAO CITY – Mahigit na sa 400 kabahayan ang isina-ilalim sa lockdown sa loob lamang nganong linggo dahil sa patuloy na pagtaas nga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Inihayag ni Public Safety and Security Command Center (PSSCC) head Angel Sumagaysay na umabot na sa 455 mga bahay, 9 na building, 6 compound at isang eskwelahan ang isinailalim sa lockdown  hanggang ngayong araw na ito.

Inihayag naman ng Davao City health Office na mahigit 50% sa transmission ng COVID-19 sa Davao City ang nagmula sa working place, pero nadala ng mga empleyado sa pag-uwi ng mga ito sa kani-kanilang mga bahay kung kaya patuloy ang hawaan at pagtaas ng kaso ng COVID.

Samantala, umabot naman ngayon sa 12 mga epleyado ng Davao City hall ang nagpositibo sa COVID-19 kung kaya isinailalim sa granular lockdown ang tatlong mga departamento na kinabibilangan ng city planning and development office, city budget office at city information and technology center.