DAVAO CITY – Temporaryo ngayon na nasa Covered court ng Punta Dumalag 1, Matina Aplaya nitong lungsod ang nasa higit 400 na mga pamilya na una ng nabiktima sa nangyaring sunog.
Sa kasalukuyan ay isinailalim na sa assessment ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang mga apektadong pamilya para agad na maibigay ang tulong sa kanila.
Kung maalala, patay sa nasabing sunog ang isang Reynaldo Salinas, 76-anyos, isang senior citizen, matapos itong ma-trap sa kanilang bahay.
Kabilang rin sa tinupok ng apoy ang isang paaralan na malapit sa lugar.
Sa huling imbestigasyon ng otoridad, nasa P2.6 million ang naitalang damyos sa nangyaring sunog.
Sinasabing ang napabayaan na nilulutong pagkain ang dahilan ng sunog kung saan agad na tinupok ng apoy ang mga bahay dahil gawa lamang ito sa mga light materials.