ILOILO CITY – Ibinalik ng Public Safety and Transportation Management ang higit sa 400 na unit ng na-impound na mga tricycle, motorsiklo, trisikad at Ebike sa lungsod ng Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeck Conlu, pinuno ng Public Safety and Transportation Management sinabi nito na sa susunod na mahuli na bumibyahe ang mga colorum na mga sasakyan at pagbabayarin na ng multa ang driver o ang operator.
Ayon kay Conlu, hindi na nila pinabayaran ang multa sa pagkuha ng na-impound nilang unit at sa halip ay binigyan pa ng food assistance ang mga driver.
Kaugnay naman ng pagpapatupad ng General Community Quarantine sa lungsod ng Iloilo ay papayagan ng makabyahe ang mga legal na tricycle, motorsiklo, trisikad at E-bike umpisa sa Lunes, Mayo 18.