-- Advertisements --

Aabot na sa mahigit 40k na kapulisan ang ipinakalat ng pamunuan ng Philippine National Police ngayong holiday season.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, nagdagdag sila ng mga tauhang ideneploy para umasiste sa publiko ngayong holiday.

Ipinoste ito sa mga simbahan, pantalan, terminal at paliparan para matiyak ang seguridad ng mga biyahero at bakasyunista.

Sa ngayon aniya ay wala pa silang naitatalang untoward incidents.

Maaari namang humingi ng assistance ang mga pasahero o publiko sa mga pulis na naka istasyon sa mga helpdesk nito.

Katuwang ng PNP ang BFP at AFP sa pagbibigay ng augmentation team ngayong holiday.

Pinaalalahanan naman ni Fajardo ang mga motorista na tiyaking nasa maayos na kundisyon ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe para makaiwas sa anumang uri ng aksidente.