-- Advertisements --
vaccine2

Umabot na sa 41,029 Covid-19 vaccines ang natanggap ng Philippine National Police (PNP) mula sa Department of Health (DOH) mula nang mag-umpisang mag roll-out ng bakuna ang gobyerno.

Sa datos na inilabas ng Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF) unang nakatanggap ng 600 doses ng Sinovac vaccine ang PNP nuong March 1,2021.

Ayon kay PNP The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz, ang mga vaccine na kanilang natanggap ay Sinovac na nasa 8,729 doses; AstraZeneca – 1,000 doses; Sputnik V – 9,900; Moderna – 11,400 doses at Janssen -10,000 doses.

Sinabi ng Heneral, ang mga bakunang natanggap ng PNP mula sa gobyerno ay para sa mga police personnel na naka deploy sa NCR Plus.

Inihayag din ni Lt.Gen. Vera Cruz, sisimulan na rin ang pag-administer ng mga vaccine sa kanilang mga personnel sa ibat-ibang Regional Police Offices sa buong bansa.

” Sa NCR PLUS lang Anne. May plano na sa mga PNP personnel sa regions na i-administer ng mga RDMUs ng Health Svc namin but isasabay na ng DOH ang shipment sa allocation ng LGUs thru their authorized forwarder at medyo maselan din kase ang handling ng mga vaccines,” mensahe na ipinadala ni Lt. Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Sa kabilang dako, nasa kabuuang 139,781 doses na ng Covid-19 vaccine ang na-administer ng PNP.

Patuloy naman na hinihikayat ng PNP ang kanilang mga tauhan na magpabakuna para may proteksiyon na laban sa Covid-19 virus lalo at may banta ng Delta variant.

May mga pulis pa rin kasi ang ayaw talaga magpabakuna.