-- Advertisements --

Kabuuang 12,237 pamilya o mahigit 45,000 katao ang lumikas na dahil sa bagyong Odette.

Ang mga lumikas na indibidwal ay mula sa Caraga at Eastern Visayas, na siyang higit na apektado nang pananalasa ng bagyong Odette.

Dahil sa masamang lagay ng panahon, aabot sa halos 3,900 pasahero naman ang stranded sa Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas at Caraga.

Una nang iniulat ng Pagasa ang paglakas pa ng bagyong Odette habang ito ay hindi pa nakakapag-landfall.

Kaya naman itinaas pa ang storm warning signal No. 4 sa mga lugar na direktang tatamaan ng mata ng bagyo.