-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 467,000 na mga sasakyan ang nadagdag sa mga kakalsadahan sa bansa noong nakalipas na taon.

Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) and the Truck Manufacturers Association, inaasahang masusustine ang ganitong pagtaas sa sales ng mga sasakyan ngayong taon.

Ito ay may kabuuang 467,252 units ng sasakyan na nabenta noong 2024 katumbas ng 8.7% na pagtaas sa sales mula sa dating 429,807 na units ng sasakyan na nabenta noong 2023.

Umabot naman sa 74.15% o 346,482 units ng mga commercial vehicles noong 2024 ang nabenta habang 25.85% o katumbas ng 120,770 units na passenger cars ang nabenta sa parehong panahon.

Pumalo rin sa 42,044 unit ng sasakyan ang nabenta noong December 2024 katumbas ng 2.8% na pagtaas sa sale habang 40,898 units ang nabenta noong November.

Mas mataas ito ng 7.4% kumpara sa 39,153 units ng sasakyan na nabenta noong December 2023.