-- Advertisements --

Mahigit 487,000 indibidwal ang napagsilbihan ng OVP sa tatlong araw na pamamahagi nito ng relief sa mga residenteng labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Davao Region.

Sa datos ng OVP, nakapaghatid na sila ng tulong sa mga lalawigan ng Davao del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental..

Ilan sa mga bayan mula sa mga nabanggit na probinsya ay lubog pa rin sa pagbaha habang ang ilang daanan ay nanatiling sarado dahil sa mga gumuhong lupa .

Nanguna sa paghahatid ng tulong ang OVP Disaster Operations Center.

Naging katuwang nito ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office maging ang Provincial Social Worker and Development Office ng mga nabanggit na lalawigan.

Top