-- Advertisements --
Inaasahan ngayon ng Philippine Ports Authority na aabot sa 5.1 milyong pasahero ang dadagsa ngayong papalapit na ang panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay Jay Santiago, General Manager ng PPP na ang naturang bilang ng mga pasahero ang kanilang inaasahang magtutungo sa mga pantalan mula Disyembre 16, 2023 hanggang sa Enero 15 ng susunod na taon.
Mas mataas ito sa naitalang 4.7 milyong pasahero noong nakaraang taon.
Nagpaalala din ang ahensya sa mga shipping lines na dagdagan pa ang kanilang mga barko para sa mas mabilis na biyahe at hindi ma-istranded sa mga pantalan ang mga pasahero na naghihintay ng susunod na biyahe.
Kasabay nito ipatutupad din ang mahigpit na seguridad para matiyak ang kaligtasan ng pasahero.