-- Advertisements --

BDP

Nasa 5.22 milyong Pilipino ang magbebenepisyo sa Barangay Development Program sa taong 2021 at 2022.

Ito ang inihayag ni National Security Adviser at National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman, Secretary Hermogenes Esperon.

Ayon sa kalihim, ang mga benepisyaryo ay mga residente ng 822 barangay na na-clear ng AFP mula sa impluwensiya ng NPA na kabilang sa unang batch na isinailalim sa BDP.

Kasama din sa mga benipisyaryo ang mga residente 1,406 barangay na kabilang naman sa ikalawang batch na napasailalim sa programa para sa taong 2022.

Iniulat ni Esperon na 99.03%, o Php16.29 na bilyon ng Php16.44 bilyong pondo para sa unang batch ng BDP ngayong 2021 ay na-release na sa mga LGU.

Habang ang P28.12 bilyong pondo para sa ikalawang batch ng BDP sa 2022 National Budget ay kasalukuyang tinatalakay sa kongresso.

Ang mga barangay na mapasama sa programa ay tatanggap ng tig-P20 milyong piso para sa mag proyektong pangkaunlaran tulad ng farm-to-market roads, health stations, classrooms, water and sanitation systems, rural electrification (solar), at livelihood projects.