DAVAO CITY – Nagpalabas ngayon ng bagong larawan ang tropa sa 10ID Philippine Army ni Eric Jun Casilao alyas Elian/Wally, Communist Terrorist Leader ng Southern Mindanao.
Ang nasabing larawan ay base sa inilabas na rebelasyon ng dating high-value individuals na kasama ni Casilao sa loob ng Communist NPA Terrorist movement.
Si Eric Jun Casilao ay ang Secretary ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) ng CPPNPA.
Ang 43 anyos na si Eric ang kapatid ni dating ANAKPAWIS representative na si Ariel Baring Casilao at nasa halos 20 taon na sa komunistang grupo kasama ang kanyang asawa na si May Casilao alyas GAB.
Nahaharap ang mga ito sa multiple criminal cases gaya ng two counts ng kasong pagpatay sa Regional Trial Court 11, Branch 3 sa Nabunturan, Davao De Oro; kidnapping at serious illegal detention.
Ayon kay Brig. Gen. Jesus P Durante III, commander ng 1001st Infantry Brigade, na kinokonsedara si Casilao bilang kriminal at kinumpirma na posibleng ito ang papalit sa naunang napatay na si Menandro Villanueva bilang kalihim sa Komisyong Mindanao.
Nanawagan ngayon si MGen Ernesto C Torres Jr, Commander ng 10ID sa mga makapagbigay ng impormasyon ni Eric Jun Casilao alias ‘Elian’ o ‘Wally’ na makakatanggap ito ng reward money na mula sa Department of National Defense (DND) at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagkakahalaga ng PHP5.4 million.