Matagumpay na nasakote ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang aabot sa 50 computers at iba pang mga ebidensya matapos ang isinagawa nitong operasyon sa umano’y Philippine Offshore Gaming Operator sa Panabo City, Davao del Norte.
Ayon sa NBI , aabot rin sa mahigit 59 na mga pinaghihinalaang POGO wokers ang naaresto.
Ito ay binubuo ng 55 Chinese, 3 Malaysians, at isang Pilipino.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant dahil sa paglabag sa illegal gambling na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Nakuha ang mga computer sa loob ng dalawang kwarto sa dalawang ektaryang warehouse sa naturang lugar.
Kaugnay nito ay ipinatatawag na ng NBI ang mga sangkot sa operasyon ng naturang POGO hub kabilang na ang ilang government officials authorities na hindi na pinangalanan pa.