-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa mahigit 50 ektarya ng palay ang sinira ng malakas na hangin at ulan sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Maricel Lazaro, ang Municipal Agriculturist ng Tantangan sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Lazaro, aanihin na sana ng mga magsasaka sa Barangay New Cuyapo at iba pang barangay sa nabanggit na bayan ang kanilang mga palay ngunit hindi na natuloy dahil sa halos araw-araw na pagbuhos ng ulan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang paglilibot ng mga technicians ng Municipal Agriculture upang alamin ang kabuuang pinsala na iniwan ng kalamidad.